Ano Ang Tamlambuhay Ni Plato?

ANO ANG TAMLAMBUHAY NI PLATO?

Answer:

Si Plato o Platon ay isang klasikong Griyegong pilosopo, matematiko, estudyante ni Socrates, manunulat ng mga pilosopikal na dialogo, at tagapagtatag ng Akademyang Platoniko sa Atenas na unang institusyon ng mas mataas na pagkatuto sa Kanluraning daigdig. Kasama ng kanyang tagapagturong si Socrates, at kanyang estudyanteng si Aristotle, si Plato ay tumulong sa paglalagay ng mga pundasyon ng pilosopiyang Kanluranin at agham.Ang sopistikasyon ni Plato bilang isang manunulat ay ebidente sa kanyang mga dialogong Sokratiko: 36 mga dialogo at 13 mga lihan na itinuro sa kanya. Ang mga dialogo ni Plato ay ginamit upang ituro ang isang saklaw ng mga paksa kabilang ang pilosopiya, lohika, retorika, at matematika. Si Plato ang isa sa pinakamahalagang tagapagtatag na pigura ng pilosopiyang Kanluranin. Hindi katulad ng kanyang mga pilosopo sa kanyang kapanahunan, ang lahat ng naisulat ni Plato ay pinaniniwalaang buo sa higit na 2,400 taon.

Kasama ang kanyang guro, Socrates, at ang kanyang bantog na estudyante, Aristotle, itinatag ni Plato ang pundasyon ng Kanluraning Pilosopiya at ng agham. Maliban sa pagiging pundasyonal na pigura sa Kanluraning agham, pilosopiya, at matematika, si Plato ay malimit na binabanggit bilang isa sa tagapagtatag ng Kanluraning relihiyon at ispiritwalidad.

Si Plato ang nagsimula ng pagsusulat sa diyalogo at diyalektikong porma sa pilosopiya. Lubalabas na si Plato ang tagapagtatag ng Kanluraning pilosopiyang politikal, sa kanyang Republic, and Laws na ilan lamang sa mga diyalogo na kanyang naisulat, na nagbibigay sa ilan sa mga pinakamaagang pagtalakay ng mga katanungang politikal mula sa isang pilosopikal na perspektibo. Ang mga pinakatiyak na nakapagimpluwensiya kay Plato ay sina Socrates, Parmenides, Heraclitus and Pythagoras, subalit kaunti lamang ng mga naisulat ng mga pilosopo na nauna sa kanya ang natitira, at marami sa mga nalalaman natin ngayon tungol sa mga pilosopong ito ay nagmula mismo kay Plato.


Comments

Popular posts from this blog

"Nasa Kanilang Kamay Ang Tungkulin Na Pangalagaan Ang Nabubuong Kasaysayan Ng Pamayanan.A. Mga Batasb. Mamamayanc. Kabataand. Pinuno"

Sa Iyong Palagay, Sino Sa Kanilang Dalawa Ang Naging Higit Na Matagumpay? Bakit?