Maikling Tula Tungkol Sa Ikalawang Digmaan Ng Daigdig
MAIKLING TULA TUNGKOL SA IKALAWANG DIGMAAN NG DAIGDIG
Isang malaking pangyayari sa kasaysayan ng mundo ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay kung saan nahati ang mundo sa panig ng Allies at Axis. Kaugnay nito, ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay narito.
Sa World War 2, mayroong dalawang panig,
Allies at Axis - sino ba ang nanaig?
Isa man sa kanilay ayaw padaig.
Wala sa kanila ang gustong makinig.
Ang gulong itoy dahil sa kasakiman.
Mayroong naghahangad ng kayamanan,
meron ding naghahangad ng kalayaan.
Di nadaan sa maayos na usapan.
Narito ang iba pang detalye tungkol sa nasabing paksa.
I. Ano ba ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
- Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong biglaang inatake ng Alemanya (Germany) ang Poland.
- Nagdeklara ng giyera ang Britanya at Pransiya pagkatapos tumanggi si Adolf Hitler na itigil ang kanyang pananalakay sa Poland. Si Adolf Hitler ay ang lider ng pulitikal na partido sa Germany na tinatawag na Nazis.
- Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay tumagal mula 1939 hanggang 1945.
II. Dalawang Partido sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- Ang dalawang partido sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang mga Axis at Allies.
- Ang mga pangunahing bansa sa Axis ay ang Alemanya, Italya at Hapon.
- Sa kabilang banda, ang mga pangunahing bansa sa Allies ay ang Britanya, Estados Unidos, Pransiya at Russia.
III. Tungkol sa Maikling Tula
- Ang halimbawa ng tula sa itaas ay may sukat na 12.
- Ang tula ay nagpapakita ng mga pangunahing impormasyon tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Iyan ang halimbawa ng maikling tula tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.
- Buod ng ikalawang digmaang pandaigdig: brainly.ph/question/940187
- Mga sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig: brainly.ph/question/1321655
- Anu ano ang mga naging bunga ng ikalawang digmaang pandaigdig: brainly.ph/question/2110965
Comments
Post a Comment