Epektibo Ba Ang K To 12?

Epektibo ba ang k to 12?

Ang K to 12 ay naisabatas dahil sa malalim at magandang dahilan. Kung ito ba ay epektibo, OO. Malaki ang tulong ng pagkakabuo ng K to 12 dahil sa nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na mas mahasa pa ang kakayahan na mayroon sila. At pagkatapos nila ng senior high maaari na silang pumasok ng trabaho na naaayon sa kinuha na lang strand sa senior high ngunit mas mainam kung ipagpapatuloy nila ang kanilang pag -aaral sa kolehiyo. Mas magkakaroon sila ng magandang kinabukasan at mas magandang oportunidad dahil nakapagtapos sila. Ang isa sa layunin ng k to 12 na sa pagtatapos ng mga mag - aaral sa kolehiyo at gusto nilang makipagsapalaran sa ibang bansa hindi na lang sila magiging mga assistant, dahil halimbawa ang ating mga nurse sa Pilipinas pagdating nila sa ibang bansa nagiging nurse aid na lang sila o di kayay nagiging caregiver dahil sa kakulangan ng kaalaman ayon sa ibang bansa. Maganda ang layunin ng K to 12, maaaring dagdag gastos dahil mas natatagalan sa pagtatapos ang mga kabataan ngunit dahil sa dalawang taon na ito mas naihahanda natin ang ating mga kabataan sa tunay na ikot at takbo ng buhay sa mundong ibabaw.


Comments

Popular posts from this blog

"Nasa Kanilang Kamay Ang Tungkulin Na Pangalagaan Ang Nabubuong Kasaysayan Ng Pamayanan.A. Mga Batasb. Mamamayanc. Kabataand. Pinuno"

Sa Iyong Palagay, Sino Sa Kanilang Dalawa Ang Naging Higit Na Matagumpay? Bakit?

Ano Ang Tamlambuhay Ni Plato?