Bakit Umakyat Sa Kubyerta Si Padre Florentino
Bakit umakyat sa kubyerta si padre florentino
El Filibusterismo
Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta
Umakyat sa ibabaw ng kubyerta si Padre Florentino matapos na makita siya ng kapitan at anyayahan ito na umakyat. Marahil ay naenganyo na rin ito na umakyat sapagkat ang ilalim ng kubyerta ay masyadong masikip sa sobrang dami ng pasahero at bagahe. Maaari din na ninais na lamang niyang umakyat sapagkat hindi siya mahilig makihalubilo sa ibang tao. Lalo na ng maging mapag isa ito at malungkutin matapos na makipaghiwalay ang kanyang kasintahan nang malaman na siya ay pumasok sa pagpapari. Kaya naman sa kabila ng pagiging pari ay hindi nito kinagawian na makipagbatian kaninuman.
Bukod dito, kung susuriin si Padre Florentino ay dapat lamang na nasa ibabaw ng kubyerta sapagkat siya ay mula sa mayamang angkan at ang lahat ng mga lulan ng ibabaw ng kubyerta ay mayaman at makapangyarihan. Batid ng kapitan na siya ay mula sa mayamang pamilya kaya naman inanyayahan niya itong umakyat sa ibabaw ng kubyerta. Idagdag pa na siya isang prayle at ang mga prayle ay lubos na iginagalang noong mga panahong iyon kaya dapat lamang na sa ibabaw ng kubyerta siya mamalagi imbes na isama siya sa mga pasahero at bagahe na nagsisiksikan sa ilalim ng kubyerta.
Read more on
Comments
Post a Comment