Bakit Sa Loob Ng Gubat Pinagtagpo Ng May Akda Sina Florante At Aladin
Bakit Sa loob ng gubat pinagtagpo ng may akda sina florante at aladin
Florante at Laura:
Sa loob ng gubat pinagtagpo ng may akda sina Florante at Aladin sapagkat dito dinala ni Adolfo si Florante at itinali sa puno ng higera.
Sa puno ng higera kung saan nakagapos si Florante ay puno ng panganib. Ang gubat ay tirahan ng mga mababangis na hayop ng tuald ng ahas, leon, hyena, at tigre. Sa pagkakagapos ni Florante ay unti - unti na siyang tinatakasan ng pag - asa na siya ay makalalaya pa at makakabalik sa piling ni Laura. Gayun pa man, nais niya na mabuhay pa at makapiling ang kanyang pamilya kaya panay ang dalangin niya na maawa ang Diyos at siya ay makaligtas mula sa tiyak na kamatayan.
Hindi nagtagal ay dininig ng langit ang kanyang dasal. Nang siya ay halos makain na ng mga leon ay biglang dumating si Aladin. Si Aladin ang gererong moro na taga - Persia. Ang kanyang lahi ay kalaban ng lahi ni Florante sa pananampalataya ngunit sa kabila nito siya ay nagpamalas ng pagiging mahabagin at matulungin. Pinatay niya ang mga leon na nais na pumatay at gawing pagkain si Florante. Pagkatapos ay kanyang pinakawalan si Florante mula sa mahabang panahong pagkakagapos nito sa puno ng higera. Nagpalitan sila ng malulungkot na salaysay at napagtanto na kapwa nila kailangang iligtas ang mga minamahal. Dito nabatid ni Florante na si Aladin ay may kasintahan na nagngangalang Flerida.
Keywords: Florante, Aladin
Ang Gererong Taga - Persia: brainly.ph/question/2026582
#LetsStudy
Comments
Post a Comment