Ano Ang Talasalitaan Ng Kabanata 53 Ng Noli Me Tangere?, Novel: Ermana Sipa,Kura,Don Filipo,Pilosopong Tasyo,Crisostomo Ibarra
Ano ang talasalitaan ng kabanata 53 ng noli me tangere?
novel: ermana sipa,kura,don filipo,pilosopong tasyo,crisostomo Ibarra
Noli Me Tangere
Kabanata 53: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Talasalitaan:
1. kapatiran - samahan
Ang kapatiran ng mga manananggol ay magkakaroon ng isang "charity event" sa katapusan.
2. panaghoy - hinagpis
Tanging mga panaghoy ang umalingawngaw sa buong lugar matapos ang barilan na naganap.
3. pulpito - maliit na terasa kung saan nagbibigay ng sermon.
Ang pagpapatotoo ay karaniwang ginagawa sa harap ng pulpito tuwing unang linggo ng buwan.
4. namamalas - nakikita
Namamalas ang kabutihang loob sa mga bagay na ginagawa ng kamay at hindi ng bibig.
5. pagdayo - pagdalaw
Ang pagdayo ng mga dayuhan sa Pilipinas kung bakit tayo nagkaroon ng iba ibang lahi.
6. pangasiwaan - pamahalaan
Ang pinakamagandang palatandaan ng maturidad ay ang kakayahang pangasiwaan ang sarili.
7. sawatain - pigilin
Kailangan na sawatain ang mga durugista upang hindi na sila makapaminsala pa.
8. tinugon - sinagot
Tinugon ni Pilosopo Tasyo si Don Filipo at sinabi na ang mga mamamatay ay hindi na nangangailangan pa ng gamot.
9. tumatahak - dumadaan
Lahat ng tao ay tumatahak sa mga mahihirap na pagsubok at hamon.
10. nagluwat - nagtagal
Hindi nagluwat at napagtanto ni Ibarra na ang tanging dahilan ng kanyang pagkaligalig ay ang ama.
Read more on
Comments
Post a Comment